Sunday, February 14, 2016

Celebrating amdist the Desecration of the Blessed Sacrament???

I was saddened with the news that yesterday, the Blessed Sacrament was stolen from the Adoration Chapel of my former parish. It happened on the eve of the parish fiesta. I could not understand how the theft took place. There was a security guard on duty and the Blessed Sacrament was kept in a glass case which was under lock and key. Apparently, the one who had custody of the blessed Sacrament forgot to lock the case. During my pastorate, I was the only one who held the key to this glass case. Nobody could open nor close the case except me. I felt that as the pastor, I was the one responsible for the security of the Blessed Sacrament.

Throughout the day, there was nothing in the social networks about the theft. Instead, I found the pastor posting picture of the parish community eating a banquet during the parish fiesta. He even posted that the bands kept playing and the food kept coming. It was as if nothing happened. The fiesta had to go on.

I told this story to the priest who is a guest of our parish. He looked at me intently as I told the story. Then, he said: "It is like a birthday celebrant being kidnapped and yet the party has to  push through because the preparations were already made."

For the life of me, I could not understand how a parish community could still celebrate the parish fiesta on the day immediately after the desecration took place. Should not an atmosphere of sorrow and penitence take over the festivities? "The Lord has been taken away. We do not know where they have placed him." "When the Bridegroom is taken from them, it is then that they will fast."

I am sad also about the fact that the International Eucharistic Congress has just taken place and we were part of it. I thought that the International Eucharistic Congress was supposed to ignite fervor in our Eucharistic devotion. Then, why this indifference to the desecration? Why is it that it seems that the theft never took place?

In one of my former assignments, I was called to anoint a dying person during Christmas time. I had barely finished the confection of the sacrament when the relatives around the death bed started to wil. She died at that moment. Then, I saw two toddlers approaching the Christmas Tree. They turned off the Christmas lights and started taking down the decorations. The children understood. Grandma just passed away. It was definitely not time to rejoice over the holidays.

If these children were sensitive enough over the impropriety of merrymaking during a time of grief, why can't we have that same sensitivity? Have we lost our faith in the Real Presence? Do we no longer believe that the one that got desecrated was the Body of our Lord?

To me, the issue is very simple: The Lord has been taken away! Let us be sad because we do not know where they have placed him!

Saturday, February 13, 2016

Ash Wednesday in the Year of Mercy

Jesus, I trust in you!
Let us hasten to the Inner Room to meet the Father

We once again open the Lenten season with the celebration of Ash Wednesday. During this season, we engage in acts of penance and piety. We fast, we pray, and we give alms to the poor. We go to Church today in the age-old tradition of receiving ashes on our heads as a sign of sorrow for our sins. In the Old Testament, people wore sack cloth and put ashes on their head as they fasted and prayed. We do the same today. Let us remember that the ashes on our heads are signs of true contrition for our sins. Publicly, we acknowledge that we have sinned and by acts of penance, we want to take responsibility for what we have done as we seek the forgiveness of the Lord.

On this Year of Mercy, let us listen to God’s Word which invites us to return to the Lord: “Even now, says the Lord, return to me with your whole heart, with fasting, and weeping, and mourning; Rend your hearts, not your garments, and return to the Lord your God!” The prophet Joel emphasizes the importance of interior conversion: Rend your hearts, not your garments! Even the Lord Jesus teaches us of the primacy of the heart, that “inner room” where we should go and meet the Father who sees everything in secret.  We do not need to put up a show, to make an elaborate production number to entertain judges. All the Lord wants us to do is to fast in secret, to pray from the heart, and to be sincere in our charity. This is what it means to rend our hearts and not our garments.

But why do we return to the Lord? What is the motive of our interior conversion? We return to the Lord because the Lord has revealed himself to us as a Father who is rich in mercy: “Return to the Lord your God. For gracious and merciful is he, slow to anger, rich in kindness, and relenting in punishment.” St. John Paul II said that when Israel broke her covenant with God by worshiping the golden calf, “The Lord himself triumphed over this act of breaking the covenant when He solemnly declared to Moses that He was a ‘God merciful and gracious, slow to anger, and abounding in steadfast love and faithfulness.’ It is in this central revelation that the chosen people…will find, every time that they have sinned, the strength and motive for turning to the Lord to remind him of what He exactly revealed about Himself and to beseech His forgiveness.” (Dives in Misericordia, 4.)

This is exactly the reason why turn to him in spite of our sins: the Lord Jesus revealed to us that the Father is rich in mercy. Kaya nga malakas ang loob nating humingi ng awa ay sapagkat sinabi niya na mayaman siya sa awa. Kung walang awa ang Diyos, matatakot tayo at mag-aatubiling lumapit sa kanya. Kung walang awa ang Panginoon, walang sinuman sa atin ang aamin sa kanyang pagkakasala. Kaya nagtago sina Adan at Eba noong sila ay nagkasala ay sapagkat labis silang nahihiya sa kanilang ginawa at hindi nila naisip na kaya at gusto ng Diyos na magpatawad. Lumalapit tayo sa Diyos dahil madali siyang lapitan. Humihingi tayo sa kanya ng awa dahil mayaman siya sa awa.

Let this confidence in the Mercy of God accompany us in our Lenten journey. Let our return to the Lord be done with quick and joyful steps. Let us not walk like convicted men led to their execution. Rather, let us be like children who race to return to the Father’s house. Make your steps light by fasting. Let go of your baggage by alms giving. Let us be quick to enter that inner room to meet the Father who sees everything in secret. He waits for you there. Do not delay your reconciliation to him. Now is the acceptable time! Now is the day of salvation!

O Mary conceived without sin, pray for us who have recourse to thee!

Sunday, November 29, 2015

Becoming fishers of men

St. Andrew the Apostle
I was ordained a priest on the Feast of St. Andrew the Apostle. I consider it a great honor to be ordained on this feast because St. Andrew was one of the first to the called by the Lord. As he walked by the shore of the Sea of Galilee, the Lord Jesus saw the brothers Peter and Andrew casting their nets. To them he gave the invitation: Come follow me and I will make you fishers of men. I like those words "fishers of men". The Lord called them and myself to become "fishers of men." The work of fishermen is really very simple. All they had to do was cast the net into the sea and haul into the boat whatever is caught in that net. I realize that my job as a priest is simply to cast the net and haul in what is caught. The Lord called me to be a fisher of men, not a member of a screening committee. All I have to do is to keep the Church door open and welcome anyone who enters through it. It is not my job to screen people and decide who should be deemed worthy to enter the Church and who should not. When a person finds his way to the Church, he has not done it on his own, Rather, it was the Father who called that person to approach his only begotten Son. It was the Holy Spirit moving in his soul. The fisherman simply casts his net and does not determine which fish should be caught in it. He hauls into his boat whatever the net catches. My task as fisher of men is to welcome those who find their way into the Church. It is not even my task to convert them or to touch their hearts. That is the work of the Holy Spirit.  Only the Holy Spirit can convert hearts. Only He can change lives. Only He can sanctify sinners. Only He can deify men. And I am not the Holy Spirit. I can only cast my net by preaching. Whatever happens to those who listen to what I preach is not within my control. I can only cast the net by celebrating the sacraments. Whatever happens to those who receive the sacraments is no longer my turf. Moving hearts, converting lives, sanctifying sinners, deifying men...all these are the work of the Holy Spirit. I can only cast the nets and nothing more,

Monday, August 17, 2015

Tunay na Katawan at Dugo ni Kristo

Hesus, nananalig ako sa iyo!

Walang kaduda-duda na lubhang napakalinaw, klarong klaro, ang sinabi ni Hesus kung ano ba itong pagkain na ibinibigay niya para sa ikabubuhay ng mundo. Ito ay walang iba kundi ang kanyang laman. Ano daw? Laman daw? Sa sobrang linaw ng kanyang sinabi, nagtalo ang mga nakikinig sa kanya. Hindi nila pinagtalunan kung totoong narinig nila na laman daw ni Hesus ang kanyang ipakakain. Ang pinagtalunan nila ay “Paanong maibibigay sa atin ng taong ito ang kanyang laman upan kanin natin?”  At para maging maliwanag sa lahat, apat na ulit na ginamit ni Hesus ang mga salitang laman at dugo: 1. Malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao ay inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay; 2. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; 3. Ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin; 4. Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako sa kanya.

Malinaw na malinaw na “ang tinapay at alak ay nagiging katawan at dugo ni Kristo kaya masasabi na si Hesus ay tunay na naririto sa sakramento.” (CCC, 1375) Itinuro ni San Juan Chrysostomo: “Hindi ang tao ang nagdudulot ng pagbabago kaya ang iniaalay ay nagiging katawan at dugo ni Kristo. Ang nagdudulot ng pagbabagong ito ay mismong si Kristo na ipinako para sa atin. Ang pari na gumaganap sa papel ni Kristo ang siyang bumibigkas ng mga salitang ito, subalit ang kapangyarihan at biyaya ay sa Diyos. Ito ang aking katawan, ang wika niya. Ang salitang ito ang nagdudulot ng pagbabago sa mga alay.” Sa kapangyarihan ng Espiritu Santo at sa bisa ng salita ni Kristo, ang tinapay at alak na dinala sa altar ay nagiging katawan at dugo ni Hesus. Ang katawan at dugo, pati na ang kaluluwa at pagkaDiyos ng ating Panginoong Hesukristo ay tunay na tinataglay ng kabanal-banalang sakramento ng Eukaristiya. Sa madaling salita, ang buong Kristo ay tunay na nilalaman ng sakramentong ito. (CCC, 1374) Bagama’t hindi nagbabago ang anyo ng tinapay at alak, nagbabago ang kalikasan nito: ito ay nagiging katawan at dugo ni Hesus. Buong buo si Hesus sa bawat uri (species) at bahagi ng banal na Sakramentio. Kahit hatihatiin pa ang anyong tinapay, hindi nahahati si Kristo. (CCC, 1376) Kung paanong naroroon si Hesus noong pinanganak siya sa Batlehem, kung paanong naroroon siya noong namatay siya sa Kalbaryo, kung paanong naroroon siya at naghahari sa langit,  sa Misa, tunay na naririto si Hesus sa anyo ng tinapay at alak. Naririto si Hesus upang ialay niya ang kanyang sarili bilang kalugod lugod na handog sa Diyos Ama. Naririto si Hesus upang makuha niya para sa atin ang kapatawaran ng ating mga kasalanan. Naririto si Hesus upang makamit niya para sa atin ang lahat ng pagpapala at biyaya. Sa madaling salita, naririto si Hesus upang maidulot niya sa atin ang mga bunga ng kanyang kamatayan at muling pagkabuhay.

Kaya nga nakapagbibigay ng buhay na walang hanggan ang sakramentong ito sa sinumang tatanggap nito ay sapagkat ang kinakain at iniinom natin ay si Hesus, ang Diyos Anak. Ito rin ang dahilan kung bakit buong paggalang natin tinatanggap siya sa banal na Misa. Hindi pangkaraniwang pagkain, hindi ordinaryong pagkain at inumin ang iniaalay at pinagsasaluhan natin sa Misa kundi ang katawan at dugo ni Kristo. Huwag natin pagdudahan ito dahil ang mismong nagsabi na kinakain at iniinom natin ang kanyang laman at dugo ay walang iba kundi si Hesus. Hindi siya marunong magsinungaling. Hindi siya maaring magkamali dahil siya ang Daan, ang Katotohanan, at ang Buhay.  

Ave Maria Purissima, sin pecado concebida!

Ang Halaga ng palagiang Pagsisimba

Hesus, nananalig ako sa iyo.

“Kumain siya at uminom at siya’y lumakas” – ito ang sinabi ng unang pagbasa tungkol kay Profeta Elias na sa simula’y halos mawalan na ng pag-asa dahil sa matinding pagod na kanyang nadama sa kanyang mahabang paglalakbay. Pinakain siya at pinainom ng isang anghel at dahil dito, nakapaglakbay pa siya nang mahaba patungo sa Horeb, ang bundok ng Panginoon. Kung paanong nagdulot ng pambihirang lakas kay Elias ang ipinakain at ipinainom sa kanya ng anghel, gayon din ang idinudulot ng pagkaing ibinibigay ng Panginoong Hesus sa atin: “Ang sinumang kumain ng pagkaing bumaba mula sa langit ay hindi mamamatay. Ako ang pagkaing bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailan man ang sinumang kumain nito. At ang pagkaing ibibigay ko sa ikabubuhay ng sanlibutan ay ang aking laman.”

Pinalalakas tayo ng kinakain natin. Pinapawi nito ang ating gutom at uhaw hanggang sa susunod na kainan. Dahil batid natin ang kapakinabangang dulot ng pagkain at inumin kaya tinitiyak nating hindi tayo lumiliban sa oras ng pagkain…hindi tayo nagpapalipas ng gutom. Subalit kay dali para sa atin ang isantabi ang pagtanggap ng banal na Komunyon! Palibhasa, hindi natin kaagad agad nakikita ang idinudulot nitong pakinabang sa atin. Parang walang naidudulot na mabuti para sa atin ang pagtanggap sa katawan ni Kristo. At dito tayo nagkakamali. Sa oras ng ating kamatayan, matutuklasan natin ang maraming kabutihan na idinulot sa atin ng mga banal na Misa na ating dinaluhan. Sa oras ng ating kamatayan, ang mga Misa na taos puso nating dinaluhan ang siyang magdudulot sa atin ng aliw at pag-asa. Ang isang Misang dinaluhan natin habang nabubuhay tayo ay higit na makakatulong sa atin sa oras ng ating kamatayan kaysa maraming mga pamisang iaalay para sa atin matapos nating pumanaw.

Sinabi ng ating Panginoon kay Santa Gertrudes: “Makatitiyak ang sinumang taimtim na dumalo sa banal na Misa na ang dami ng mga Santo na isusugo ko sa kanya upang aliwin at ipagtanggol siya sa oras ng kamatayan ay magiging kasukat ng dami ng mga Misang taimtim niyang dinaluhan sa buong buhay niya.” Huwag nating kalilimutan na ang oras ng ating kamatayan ang magiging pinakamalaking laban natin sa buhay. Sa oras na iyon, ibubuhos ni Satanas ang lahat ng nalalaman niyang panlilinlang upang makuha niya ang ating kaluluwa. Kaya nga kakailanganin natin ang lahat ng makalangit na tulong para ipag-adya tayo mula sa lahat ng masama dahil diyan nakasalalay ang ating kaligtasan.

Sinabi ni San Juan Maria Vianney: “Kung nalalaman lamang natin ang halaga ng Banal na Misa, tiyak na magsusumikap tayo na dumalo at makinabang tayo dito.” At sinabi pa ni San Pedro Julian Eymard: “Kilalanin mo, O Kristiyano, na ang Misa ang pinakabanal na gawain ng Relihiyon. Wala kang magagawang anupaman upang higit na purihin ang Panginoon o higit na tulungan mo ang iyong kaluluwa  kaysa taimtim na pagdalo sa Misa.” Kaya nga nararapat lamang na ituring nating mapalad tayo tuwing may pagkakataon tayong makadalo sa Misa. Si Santa Maria Goretti, isang labindalawang taong gulang na bata, ay naglakad ng labinglimang milya para lang makapagsimba sa araw ng Linggo. Si Padre Pio ay nagdiwang ng Misa kahit na siya’y nilalagnat at dinudugo. Sa ating sariling buhay, dapat nating ituring ang banal na Misa na mas mahalaga kaysa iba pang mga bagay. Sabi ni San Bernardo: “Higit na pakikinabangan natin ang pagdalo sa isang Misa kaysa anupamang kawanggawa o paglalakbay sa buong mundo para lamang marating ang mga banal na lugar.” Dapat unahin natin ang pagsisimba kaysa iba pang mga libangan na pinag-aaksayahan natin ng oras ngunit hindi naman nakatutulong sa ating kaluluwa. (Nauubos ang oras mo sa COC…matutulungan ka ba niyan sa oras ng iyong kamatayan? Mabibigyan ka ba niyan ng buhay na walang hanggan?) Matuto tayong maglaan ng oras at magsakripisyo kung kinakailangan para makapagsimba at makapagkomunyon. Sinabi ni San Agustin: “Binibilang ng mga anghel ang lahat ng ating mga yapak kapag pumupunta tayo sa simbahan upang dumalo sa Misa at dahil diyan ay gagantimpalaan tayo ng Diyos sa buhay na ito at sa kabila.” Kaya kunin natin ang lahat ng pagkakataon para makapagsimba at tumanggap ng Banal na Komunyon. Mabubuhay kaylanman ang sinumang kumain ng Tinapay ng buhay!

Ave Maria Purissima, sin pecado concebida!  

Pinakakain ng Diyos

Jesus, nananalig ako sa iyo!

Sa taong ito, ang mga pagbasa ay kinukuha sa Mabuting Balita ayon kay San Marcos. Subalit dahil maigsi ang aklat na ito, naglalaan ang Simbahan ng nararapat na panahon na pagnilayan ang mga kabanata sa aklat ni San Juan na tumutukoy sa misteryo ng Banal na Eukaristiya. Mabuting pagkakataon ito para maihanda natin ang ating mga sarili para sa pagdiriwang ng International Eucharistic Congress na gaganapin sa Cebu sa darating na Enero ng 2016.

Sa mabuting Balita sa araw na ito, sinabi ng ating Panginoong Hesus: “Gumawa kayo, hindi upang magkaroon ng pagkaing nasisira, kundi upang magkaroon ng pagkaing hindi nasisira at nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ibibigay ito sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat siya ang binigyan ng kapangyarihan ng Diyos Ama.” Lahat tayo ay naghahanap buhay upang magkaroon ng pagkain sa araw araw. Kahit mahirap, nagtratrabaho tayo dahil kailangan nating kumain para mabuhay. Sa kanilang paglalakbay sa disyerto patungo sa Lupang Pangako, walang pagkakataon ang mga Israelita na magtanim at mag-ani ng kanilang makakain dahil sa patuloy nilang paglilipat sa ibat ibang mga lugar. Dahil dito, nagbigay ang Diyos sa kanila ng tinapay na nagmumula sa langit tuwing umaga at mga pugo naman sa gabi. Ang Panginoon ang siyang nagpakain sa kanila sa buong apatnapung taon ng kanilang paglalakbay sa ilang. Anim na araw ang inilalaan natin sa paghahanap buhay upang kumita at mapakain natin ang ating mga pamilya. Subalit sa araw ng Linggo, lumiliban tayo sa paghahanap buhay upang makadalo sa Banal na Misa. Sa pagdiriwang ng Misa, ginagawa sa atin ng Diyos ang kanyang ginawa para sa mga Israelita sa kanilang paglalakbay sa ilang. Sa Misa, hindi tayo ang gumagawa para makakain. Bagkus, sa Misa, ang Diyos mismo ang nagpapakain sa atin.

Ipinaliwanag ng ating Panginoong Hesus: “Ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na pagkaing mula sa langit.” At ang pagkaing bigay ng Diyos, ang pagkaing bumaba mula sa langit, ang pagkaing nagbibigay buhay ay walang iba kundi si Hesus: “Ako ang pagkaing nagbibigay buhay. Ang lumalapit sa akin ay hindi na magugutom, at ang nananalig sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.”

Totoo na inihahain sa altar ang tinapay at alak na nagmumula sa lupa at bunga ng ating paggawa. Subalit ang mga haing ito ay hindi nagiging Eukaristiya hanggat hindi ito pinagbabago ng Diyos at ginagawang katawan at dugo ni Hesus. Tulad ng bata sa pagbasa noong nakaraang linggo, nagdadala tayo sa dambana ng tinapay na niluto natin mula sa trigo at alak na pinisa natin mula sa ubas. Ngunit ang mga dinala natin ay hindi ang Eukaristiya. Upang maganap ang Eukaristiya, kailangang kunin ng Panginoon ang ating mga handog at ang mga ito’y gawin niyang kanyang katawan at dugo. Ang pinagsasaluhan natin ay hindi tinapay at alak kundi ang katawan at dugo ng Diyos Anak. Ang Eukaristiya ay hindi tungkol sa pagdadala natin ng tinapay at alak. Ang Eukaristiya ay tungkol sa pagpanaog ni Hesus mula sa langit patungo dito sa dambana. Ang Eukaristiya ay tungkol sa pagpanaog ni Hesus sa altar upang maibigay niya sa atin ang kanyang sarili bilang pagkaing nagbibigay buhay. Kung nauunawaan lang natin ang tunay na kahulugan ng mga sinabing ito ni Hesus, pananabikan natin ang pagdalo sa Misa. Sasabihin natin kay Hesus ang sinabi sa kanya ng mga tao: “Panginoon, bigyan ninyo kami lagi ng pagkaing iyan.” Kung nakikilala lamang natin kung sino ang tinatanggap natin sa banal na Komunyon, mapapaluhod tayo sa harap ng dakilang misteryong tinatanggap natin. Ang tinatanggap natin sa banal na Misa ay hindi pangkaraniwang pagkaing nasisira. Ang tinatanggap natin sa banal na Misa ay hindi natin kayang bilhin mula sa pinagtuluan ng ating pawis.  Ang tinatanggap natin sa banal na Misa ay ang pagkaing bumaba mula sa langit, ang pagkaing bigay ng Diyos Ama, ang pagkaing nagbibigay ng buhay na walang hanggan. Ito ay walang iba kundi si Hesus, ang pagkaing nagbibigay buhay. Sabihin natin sa kanya: “Panginoon, ibigay mo sa amin ang pagkaing iyan upang hindi na kami magutom o mauhaw kalian man.”

Ave Maria purissima, sin pecado concebida!